KARAPATAN | Secretary Salvador Panelo, sinabing hindi absolute ang freedom of the press

Manila, Philippines – Binigyang diin ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na hindi napoprotektahan ng saligang batas ang press freedom sa pagkakalat ng maling balita o fake news.

Ito ang sinbi ni Panelo sa harap na rin ng paggiit ng Rappler na nasisikil ang kanilang karapatan sa pamamamhayag matapos i-ban ni Pangulong Duterte ang Rappler na makapasok sa buong Malacanang compound.

Sinabi ni Panelo, ang dapat tingnan ay kung inaabuso na ang karapatan sa pamamahayag ng mga media at ang pagpasok sa Malacanang ay isang pribilehiyo at hindi saing karapatan ng mga mamamahayag.


Paliwanag pa ni Panelo, hindi naman minamasama ni Pangulong Duterte ang mga banat laban sa kanya at sa mga programa ng kanyang administrasyon at hinihikayat pa nga ng Pangulo ang maraming grupo na lumabas sa lansangan at ilahad ang kanilang saloobin.

Pero ang hindi aniya gusto ng Pangulo ay ang pagpapakalat ng maling balita at impormasyon na naghahati sa taongbayan at nagbibigay ng bahid sa reputasyon ng bansa dahil sa pagbaliktot sa katotohanan.

Facebook Comments