KARAPATAN | Socio-economic rights, inirekomendang isama sa bill of rights

Manila, Philippines – Inirekomenda ng consultative committee na isama sa bill of rights ang socio-economic rights.

Sa ilalim ng socio economic right, dapat mabigyan ng karapatan ang bawat Filipino ng edukasyon, pabahay at health care.

Giit ni Con-Com Chairman at dating Chief Justice Reynaldo Puno, napapanahon na para bigyan na ito ng halaga maliban sa civil at political rights lang.


Naniniwala naman si Puno na kayang pondohan ng pamahalaan ang socio-economic rights.

Facebook Comments