Karapatang bumoto, huwag sayangin! – PRRD

 

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipino na huwag sayangin ang pagkakataong bumuto at tulungang hubugin ang kinabukasan ng bansa.

 

Ayon sa Pangulo, gamitin ang oportunidad at karapatang bumoto para matiyak ang tamang landas na tatahakin ng bansa sa kinabukasan.

 

Nakiusap din ang pangulo sa government personnel, pulis, at sundalo na manatiling neutral ngayong halalan.


 

Inaasahang boboto si Pangulong Rodrigo Duterte sa Daniel R. Aguinaldo National High School mamayang alas-3:00 ng hapon.

Facebook Comments