Cauayan City, Isabela – Pagpapaigting sa Disiplina sa sarili at pagmamahal sa pamilya ang dalawang pangunahin hiling at tagubilin ni Lt. Gen. Ramiro Manuel A. Rey sa mga kasundaluhan ng 5th Infantry Division Phil. Army.
Sa ginawang pagdalaw ng pinuno ng Northern Luzon Command ng Philippine Army sa kampo ng militar sa Camp Melchor F. Dela Cruz Upi, Gamu Isabela, kanyang hinikayat ang mga sundalo na lalo pang pag ibayuhin ang pagdidisiplina sa kanilang mga sarili upang hindi masira ang kanilang imahe sa mamayan.
Inihalimbawa ng heneral na kahit isang sundalo lang ang nagkamali ay nadadamay umano ang lahat kaya dapat kumilos ang mga ito ng naaayon at may disiplina upang hindi masira ang imahe sa publiko ang kanilang hanay.
Sinabi rin nito na dapat ay laging isaisip at isapuso at maypaggalang sa mga karapatan pantao ng mga mamamayan upang hindi masayang ang mga pinaghihirapan ng kanilang mga opisyal. Pinaalalahanan din Lt. Gen Rey ang mga kapwa sundalo na dapat ay mahalin at wag din pabayaan ang kanilang mga pamilya. Ayon pa kay Lt. Gen. ito ang isa sa mahalagang bagay na dapat gawin ng isang disiplinadong sundalo… Anya walang silbi kahit na sila ay magtagumpay sa kanilang mga kampanya kontra sa mga kalaban ng gobyerno kung hindi naman nila mapanalunan o mkuha ang respeto at suporta ng mga mamamayan lalo na ang tiwala ng sambayanan sa mga kasundaluhan.
Si Lt. Gen Ramiro Manuel Rey ay tubong lalawigan ng Cagayan at minsan narin naitalaga sa San Mariano isabela bilang Executive Officer ng 45th Infantry Battalion na nooy nakabase sa naturang lugar ngunit nalipat ito sa Mindanao at isa sa mga nanguna sa pakikibaka sa mga ISIS inspired na Abu Sayyaf Marawi Siege bago naitalga bilang Commander ng Northern Luzon Command. ng Phil .Army.