KARAPATANG PANTAO | Mga nahuhuling suspek, hindi na ilalabas sa media ayon sa PNP

Manila, Philippines – Hindi na ipiprisinta sa media ng Philippine National Police (PNP) ang mga suspek na kanilang naaresto.

Ito ay matapos iutos ni PNP Chief Oscar Albayalde para matiyak ang mga karapatang pantao ng kanilang mga naaresto.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Superintendent Benigno Durana, ito ay bilang pagbalanse sa konstitusyon na nagbibigyan ng impormasyon sa publiko na may kaugnayan sa national interest at nagpoprotektahan naman sa mga karapatan ng mga suspek.


2008 nang ipag-utos ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagbabawal sa pagprisinta ng mga suspek na naaresto ng PNP sa media lalo na at hindi pa ito sumasailalim sa paglilitis at napatunayang guilty.

Facebook Comments