Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na itataguyod ng pamahalaan ang karapatang pantao at pipigilan ang anumang “runaway crime” sa bansa.
Sa ikalimang State of the Nation Address (SONA), sinabi ng Pangulo na poprotektahan niya ang human rights at papanatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa bansa.
Naniniwala siya na ang bansang malaya mula sa ilegal na droga, terorismo, korapyson at kriminalidad ay bahagi ng karapatang pantao.
Binanggit ng Pangulo ang paglagda niya sa Executive Order na bumubuo sa National Council Against Child Labor na layong protektahan ang mga karapatan ng mga bata at ilayo sila mula sa diskriminasyon.
Muli ring nagbanta ang Pangulo sa sinumang masasangkot sa ilegal na droga at iba pang krimen.
Pinayuhan ang mga ito na maghanap na lamang ng trabaho sa halip na gumawa ng krimen.