
Tinanggal na ang karatulang ‘for sale’ na may kalakip na contact information sa harap ng bahay ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao.
Ito’y matapos mag-viral sa social media ang post ng anak ng dating pangulo na si Kitty Duterte at kumpirmahin mismo ng common-law wife na si Honeylet Avanceña na ibinebenta na ang bahay ng dating pangulo.
Sa isang panayam, sinabi ni Avanceña na matagal nang hindi ginagamit at wala nang naninirahan sa kanilang bahay kaya ito napag-isipan na ibinenta.
Emosyonal din si Honeylet nang makita ang bahay na tila balot na ng katahimikan malayo sa sitwasyon noon na puno ng sigla dahil ilang dekada rin itong naging tirahan ni dating Pangulong Duterte.
Hindi pa malinaw sa ngayon kung tuluyan na itong naibenta o may bumili na matapos tanggalin ang karatula nitong Linggo.









