Karen Davila pinuna ang pagdawit ni Duterte kay Drilon, ABS-CBN sa SONA

IG/@iamkarendavila

Binatikos ni Karen Davila ang pagbabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ABS-CBN at kay opposition Sen. Franklin Drilon sa simula ng kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes.

“No senator or private company deserves to be mentioned at the opening of the President’s SONA,” anang broadcast journalist sa Twitter.


Giit ni Davila, hindi dapat tungkol sa personal na damdamin o paghihiganti ang SONA, bagkus ay nakasentro sa estado at patutunguhan ng bansa.

“This is about the state of the country, where we are, where we are going, not about personal vendettas or feelings. People are hungry and jobless. People are looking for inspiration,” sabi niya.

Habang binanggit naman ni Duterte si Drilon na sinasabi niyang “nagtatanggol” sa mga Lopez nang pagkaitan ng prangkisa ang ABS-CBN network noong nakaraang buwan.

Sinabi rin ng Pangulo na siya ay “casualty” ng media giant.

Facebook Comments