Kargador na putol ang binti, viral

210
Courtesy of ดวงชะตา ราศี

Viral ang video kung saan ang lalaki na may kapinsanan o putol ang kanan na binti ay nagbubuhat ng isang sako ng semento.

Napag-alaman na ang lalaki ay isang Thai na pumukaw ng puso ng mga netizen na sa kabila ng kondisyon ay nagt-trabaho pa rin magkaroon lamang ng pagkakakitaan ng pera.

Pasan-pasan nito ang sako ng semento gamit ang dalawang saklay upang mabalanse ang katawan kabilang na ang bigat na dala.

Umabot na sa isang milyong views at 20,000 shares ang nasabing video.

Facebook Comments