Karla Estrada, in-unfollow sina Dominic Roque at Bea Alonzo!

259

In-unfollow na ng celebrity host na si Karla Estrada sa Instagram ang kaibigan ni Daniel Padilla na si Dominic Roque pati na rin ang nobya nitong si Bea Alonzo.

Hindi man malinaw ang tunay na dahilan, usap-usapan ng mga netizen na may kinalaman ito sa away nila Daniel at Dominic.

Mayroon kasing isyu na na-friendzoned umano ni Dominic ang little sister ni DJ na si Magui Ford kaya in-unfollow ni Karla si Dominic.


Say naman ni Ogie Diaz, mukhang malabo na raw na magkaayos ang magkaibigan kaya nauwi sa pag-unfollow ni DJ kay Dominic.

Wala pa namang komento si Karla ukol sa isyu na ito.

Facebook Comments