Karla Estrada, ipinagtanggol ang mga artistang naglipana sa social media sa gitna ng COVID-19 pandemic

Ipinagtanggol ni Karla Estrada ang paglipana ng mga artista sa social media bilang alternative platform bukod sa telebisyon sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Karla, hindi na bago sa mga artista na laging nakatambay sa social media.

Gumagawa rin aniya sila ng paraan para makapaghatid ng saya sa publiko lalo na ngayong nasa gitna ng pandemya ang bansa.


Sinegundahan naman ito ng aktres na si Melai Cantiveros, na sinabing hindi lang naman mga artista ang gumagawa nito.

Kahit kasi simpleng tao ay tumatambay sa social media tulad ng mga vlogger para kumita ng pera.

Sa ngayon, mayroon nang sariling YouTube account si Karla na may halos 200,000 subscribers.

Facebook Comments