KARMA! | Malacañang, hiniling na karmahin ang mga nagpapakalat na may sakit si PRRD

Manila, Philippines – Karma nalang ang babawi sa inyo.

Ito ang sinabi ng MalacaƱang sa mga taong nagpapakalat ng mga balitang may malubhang sakit si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito naman ang sinabi ng MalacaƱang sa harap narin ng mga balibalita na na-confine umano si Pangulong Duterte dahil sa sakit na Colon Cancer.


Pinalakas pa ang usapusapang ito matapos hindi makadalo si Pangulong Duterte sa isa pa niyang event kahapon.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sanay ma karma ang mga wishful thinking na mga tao na nagpapakalat at umaasang magkakasakit ang Pangulo.

Sinabi ni Roque na walang sakit si Pangulong Duterte at sa katunayan ay marami itong aktibidad ngayong araw dito sa MalacaƱang.

Magpapadala naman aniya siya ng litrato mamaya na magpapatunay na nasa magandang kalagayan ang kalusugan ni Pangulong Duterte.

Sinabi naman ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na 100% hindi totoo ang mga kumakalat na balita at hindi lang nakadalo ang Pangulo sa Event kahapon sa Malacanang ay dahil napagod ito sa biyahe sa Catarman at Tacloban nitong nakaraang araw.

Facebook Comments