KARNE NG BABOY MULA SA LABAS NG ISABELA, MAAARING MAI-BAN!

*Cauayan City, Isabela* – Pinag-aaralan ng konseho ng Cauayan City na I-ban o hindi papasukin ang mga karne ng baboy mula sa labas ng Isabela.

Ayon sa naging pahayag ni SP Member Bagnos Maximo, Chairman ng Committee on Health, ang hakbang na ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamimili at para makaiwas na mahawaan ng African Swine Flu (ASF) ang mga ligtas na alagang baboy dito sa lalawigan.

 

Kasabay ng planong ito, nakatakdang ipatawag ng committee on health ng LGU Cauayan City ang ibat ibang ahensyang may kaugnayan sa kasong ASF.


 

Magpupulong ngayong araw ang National Meat Inspection Service region 2, City at Provincial Veterenary Office at ang City Agriculture office.

 

Ayon kay Sanguniang Panglungsod member Maximo, tatalakayin sa kanilang pagpupulong ang mga pamamaraan para matiyak ang kaigtasan ng publiko.

 

Hindi na umano nila hihintayin pang kumalat sa lalawigan ng kontrobersiyal na sakit ng baboy kaya nakahanda silang i-ban ang lahat ng karneng galing sa labas ng rehiyon kung kinakailangan.

Sa ngayon, wala pang naitatalang kaso ng African Swine Flu sa buong lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments