Karpentero, Arestado sa Kasong Concubinage!

126

*Gamu, Isabela*- Arestado ng mga alagad ng batas ang isang karpentero na may kasong concubinage o pangangaliwa sa Brgy. Furao, Gamu, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Bonifacio Baguang, 50 anyos, may asawa at residente sa nasabing lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 Ifm Cauayan sa PNP Gamu, nahuli si Baguang pasado alas onse ng tanghali sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Angerico Ramirez ng 11th MCTC Gamu-Burgos.

Inirekomenda naman ng korte ang halagang P30,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya ang akusado at nakatakdang ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments

From Advertisers