Karpentero, Nasamsaman ng mga Iligal na Bala’t Baril!

Cabarroguis, Quirino- Nahaharap sa Kasong Paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act matapos masamsaman ng mga iligal na bala at baril kahapon, Abril 3, 2018.

Kinilala ang suspek na si Benito Salamangca, 48 anyos, may asawa, isang karpentero at residente ng naturang barangay habang ang isa pa nitong kasama na kinilala sa alyas na “Lito” ay maswerteng nakatakas.

Si Salamangca ay nadakip sa isinagawang buy bust operation ng pinagsamang elemento ng Cabarroguis Police Station, Santiago City CIDG CFU, AT Quirino CIDG PFU.


Nakuha mula sa pag-iingat ng suspek ang isang Caliber 40, isang Caliber 38 armscor, isang Caliber 22, isang Silencer Caliber 40, walong piraso ng balang Caliber 40, anim na piraso ng balang caliber 38, dalawampung piraso ng balang caliber 22, isang black inside holster ng caliber 22, dalawang Magazines ng Caliber 40 at isang unit ng black Cellphone.

Hawak na ng Cabarroguis Police Station ang suspek para sa malalimang imbestigasyon at kaukulang disposisyon.

Facebook Comments