Magsasaka, Patay sa Pamamaril!

*San Agustin, Isabela- *Patay ang isang magsasaka makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek pasado alas syete kagabi sa Brgy. Salay, San Agustin, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Dennis Dela Cruz, nasa hustong gulang, at residente rin ng naturang lugar.

Batay sa inisyal na impormasyong nakuha ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nagpastol ng kanyang kalabaw ang biktima malapit sa maisan nang biglang makarinig ng putok ng baril ang asawa ng biktima.


Agad namang hinanap ng misis ang biktima hanggang sa maabutan ito na wala nang buhay matapos magtamo ng tama ng bala ng baril sa katawan.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP San Agustin kaugnay sa nangyaring insidente.

Facebook Comments