Karpentero sa San Mateo Isabela, Sinaksak Matapos Umawat ng Away!

11

San Mateo, Isabela – Nagtamo ng saksak sa braso ang isang karpentero ng Purok 1, Barangay Salinungan West, San Mateo, Isabela matapos na umawat ng kaguluhan sa oras na 8:30 pm, May 2,2018.

Sa ipinarating na impormasyon sa RMN Cauayan, kinilala ang biktima na si Roberto Benavidez, 49 na taong gulang, may asawa samantalang ang suspek ay si Sherwin Zapata, 18 taong gulang, may asawa at residente rin ng nasabing lugar.

Sa isinagawang imbestigasyon ng PNP San Mateo, nabatid na ang biktima ay sakay ng kanyang motorsiklo at nang mapadaan sa lugar ay nakita ang isang kaguluhan sa pagitan ng nagngangalang Cornello Bueno at nang suspek.

Umawat ang biktima sa dalawa ngunit siya naman ang inundayan ng saksak ng suspek.

Kaagad na tumakbo si Zapata at dinala naman sa Joveto Medical Clinic ang biktima para sa karampatang lunas.

Pagkalipas ng ilang oras ay naaresto rin si Zapata na nasa impluwensya pa ng nakakalasing na inumin kung saan nasa pag-iingat na ng PNP San Mateo para sa karagdagang imbestigasyon.

Facebook Comments