Karpintero, Arestado sa Kasong Paglabag sa RA 9262!

39

Cauayan City, Isabela- Nakakulong ngayon sa PNP Cauayan City ang isang karpintero matapos maaresto ng mga kapulisan kahapon sa Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Ariel Palce ng RTC Branch 40 ang akusado na kinilalang si Rolando Pinera, 54 anyos, may-asawa at residente ng Padilla St, Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.


Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act si Pinera.

Pansamantalang makakalaya ang akusado kung makakapaglagak ng kanyang piyansa na halagang Php72,000.00.

Facebook Comments