
Nahulog sa mga kamay ng awtoridad ang isang lalaking tinuturing na Top 1 Most Wanted Person ng Taguig City.
Kinilala ang akusado sa alyas ‘Winzon’, 35-anyos na isang karpintero.
Naaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa dalawang bilang ng Statutory Rape na inisyu ng Taguig City Family Court Branch 15 na walang inirekomendang piyansa.
Nasa kustodiya na ng pulisya si alyas ‘Winzon’ upang sumailalim sa tamang disposisyon habang ibabalik naman ang warrant nito sa nag-isyung korte.
Facebook Comments









