Arestado ang isang 44-anyos na karpintero matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa San Carlos City, Pangasinan, umaga noong Pebrero 11, 2026.
Isinagawa ng mga tauhan ng pulisya, sa koordinasyon ng PDEA Region 1, ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek na residente ng Calasiao, Pangasinan.
Nakumpiska mula sa kanya ang tinatayang limang gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na ₱34,000, na nakalagay sa anim na plastic sachet.
Nasamsam din ang ₱24,000 na boodle money, buy-bust money, at ibang drug paraphernalia.
Isinagawa sa mismong lugar ang pagmamarka at imbentaryo ng mga ebidensya sa harap ng mga itinakdang saksi at ng suspek, alinsunod sa umiiral na batas.
Facebook Comments








