Kasabay ng Labor Day sa Mayo a-uno, payment scheme sa mga pabahay, ilalatag ng Kadamay kay Pangulong Rodrigo Duterte

Manila, Philippines – Kasabay ng nalalapit na selebrasyon ng Labor Day sa Mayo a-uno, maglalatag ng payment scheme ang Kadamay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Para ito sa mga pabahay na inokupa ng grupo sa Pandi, Bulacan.

Ayon kay Gloria Arellano, chairman ng Kadamay – inimbitahan nila ang Pangulo sa pulong gaganapin sa Linggo, April 30 – kung saan pag-uusapan ang ginawa nilang pag-okupa sa mga housing project ng National Housing Authority.


Giit nito, kung hindi talaga ibibigay sa kanila ng libre ang mga pabahay, hihilingin na lang nila kay Duterte na payagan silang mag-ambag na lang para sa maintenance sa komunidad.

Inihalimbawa nito ang pagpapagawa ng drainage system, mga tubo ng tubig, kuryente at bagong kalsada.

Sa pamamagitan aniya nito, malalaman nila kung saan napupunta ang kanilang ibinabayad sa gobyerno.

Facebook Comments