Kasabay ng pagsisimula ng unang araw ng blended learning classes, QC government sinimulan na rin ang pamimigay ng computer tablet

Aabot sa 15,000 mga computer tablet ang target na maipamigay ng Quezon City government sa mga pampublikong eskwelahan para sa School Year 2021 -2022.

Ito ay bilang pagtugon at paghahanda sa pagsisimula ng blended learning classes ngayong araw.

Ayon sa QC government, partikular na makikinabang sa gadgets ay ang grade 4, grade 5 at grade 6 student na nakatanggap noong nagdaang linggo.


Noong nakalipas na SY ay umabot sa 191,000 na unit ng computer tablets ang ipinamigay sa mga estudyante ng public school sa Kyusi bilang suporta sa kanilang pag-aaral para sa distance learning sa gitna ng pandemya.

Facebook Comments