Manila, Philippines – Umarangkada na ang malawakang kilosprotesta ng ibat ibang grupo ngayong Labor Day.
Aabot 3,000 na miyembero ng kulisang Mayo Uno, 5,000miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) at 8,000 na manggagawamula sa Western Visayas ang naki-isa sa kilos protesta.
Ipinanawagan ng mga ito sa pamahalaan ang pagbibigay ngmas mataas na sahod, job security at pagbasura sa labor contractualization sabansa.
Sentro ng kilos protesta ngayon sa liwasang Bonifacio,Mendiola Bridge at iba pa.
Bukod sa rally sa Metro Manila, sasabayan din ito sailang key cities sa bansa gaya ng Bacolod, Cebu, Cagayan De Oro, Tacloban at Davao.
Samantala, sa interview ng RMN kay Department of Labor andEmployment Undersecretary Joel Maglungsod – muli itong nagpaalala sa mgagagawing job fairs.
Tinatayang aabot sa 54 na job at business fairs angisasagawa ng DOLE sa bansa na puwedeng makalikha ng mahigit 200,000 mgatrabaho.