MANILA Dadalo sa pagtitipon si Pangulong Noynoy Aquino, gayundin ang ilang foreign diplomats at kinatawan ng ibat-ibang sektor.Sa panayam ng RMN kay NCRPO Spokesman Chief Insp. Kimberly Molitas – malaki ang bilang ng contingents ang inaasahang makikilahok sa taong ito kumpara sa nagdaang mga anibersayo.Ayon kay Molitas, nakalatag na ang security preparations at tanging contingency measures na lamang ang kanilang tina-trabaho para matiyak na ligtas at secure ang buong panahon ng okasyon.Samantala, magpapakalat ang MMDA ng mahigit isang libong tauhan para sa pagsasaayos ng trapik at sa pagpapanatili ng kalinisan at pagtugon sa mga emergency.Kaugnay nito, bibida rin sa Edsa 30 ang mga bagong fighter jets ng Phil. Air Force.Simula alas dose ng hatinggabi hanggang ala-una ng hapon ng Pebrero a-bente-singko, isasara ang North Bound lane ng Edsa mula Ortigas hanggang Santolan para sa salubungan o reenactment ng pagtatagpo ng mga sundalo at ng mga sibilyan.
Kasado Na Ang Paghahanda Para Ika – 30 Anibersaryo Ng Edsa People Power Revolution, Bukas, Pebrero 25.
Facebook Comments