KASADO NA | Blood Donation Drive & Basic First Aid Orientation nasa ika-limang taon na!

Dagupan City – Handa na ang gagawing blood donation drive na inilunsad ng Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas (KBP) ng Pangasinan Chapter sa tulong ng Philippine Red Cross na gaganapin sa CSI-Atrium sa ika-24 ng Pebrero.

Layunin ng programa na matulungan at masustentuhan ang kakulangan ng sapat na suplay ng dugo sa Pangasinan,

Ang nasabing programa ay may temang “Broadkaster ka na, Life Saver ka pa” dahil ayon kay Mark Gemson Espinosa, Chairman ng KBP Pangasinan Chapter, ipinapakita ng programang ito na hindi lamang service provider ang mga broadcaster ng Pangasinan, kundi kaya rin umanong tumulong ng mga ito sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng boluntaryong pagbibigay ng dugo.


Sinabi pa ni Espinosa na Kulang na kulang parin ang suplay ng Dugo kung kaya nananawagan din ito hindi lamang sa mga Media kundi maging sa publiko na makiisa sa gagawing programa sa darating na sabado.

“Maraming nangangailangan ng dugo at kulang na kulang pa rin po ang suplay kaya kahit na ang daming mga blood donation drive ay di pa rin po sapat kaya sana makiisa po tayo sa blood donation activity na ito para matugunan ang pangangailan ng dugo sa lalawigan,” ani Espinosa

Mag uumpisa ang Blood Donation drive sa ganap na ika-siyam ng umaga at magtatapos ito sa ganap na alas singko ng hapon. Magkakaroon din ng libreng seminar patungkol sa First –Aid ang nasabing programa na nasa ika-limang taon na.

Based on PIA-1, Pangasinan PR

Facebook Comments