KASADO NA | DTI, magsasagawa ng price monitoring sa Maynila

Manila, Philippines – Kasado na ang isasagawang price monitoring ng Department Trade and Industry (DTI) sa pamamagitan ng Consumer Protection Group sa mga Supermarkets at Groceries sa Sto. Cristo sa CM Recto Divisoria Manila.

Pangungunahan ni DTI Secretary Ramon Lopez ang price monitoring upang matiyak na hindi nagsasamantala ang mga negosyante sa implikasyon ng pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law kaugnay sa presyo ng pangunahing bilihin.

Maliban sa mga presyo ng mga basic commodities kung saan tututukan din ng DTI ang presyo ng mga school supplies para malaman kung tugma ang kanilang presyo sa Suggested Retail Prices o SRP.


Katuwang ng DTI ang Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) sa isasagawang price monitoring kung saan magsasagawa ng test samples ang FDA sa mga school supplies at susuriin ang toxicity level nito.

Facebook Comments