Manila, Philippines – Kasado na ang isasagawang sit-down strike ng grupo ng mga guro mula sa mga pampublikong paaralan sa Metro Manila.
Isasagawa ito sa November 29 bilang protesta sa kabiguan ng gobyerno na itaas ang sweldo ng mga guro.
Ayon kay Manila Public School Teachers Association Education Chair Eden May Calata – dismayado sila dahil sa kabila ng kahalagahan ng kanilang trabaho, nakapako pa rin sa mahigit P20,000 ang sahod ng teacher 1 habang nadoble na ang sahod ng mga pulis at sundalo.
Lalo pa raw silang nadismaya dahil nasa 150 hanggang 223 percent ang itinaas sa sahod ng mga miyembro ng gabinete, mambatatas at pangulo ng bansa.
Ayon sa grupo, papasok pa rin sila sa November 29 pero mag-iiwan lang sila ng aralin o seatwork o kaya ay ipaliliwanag na lang nila sa kanilang mga estudyante ang kanilang ipinaglalaban.