KASADO NA | Kilos protesta sa Labor Day bukas, handa na

Manila, Philippines – Handang-handa na ang mga kilos protesta na isasagawa ng mga militanteng grupo sa mga pangunahing lungsod bukas, Mayo a-uno Araw ng Manggagawa.

Ayon sa grupong Bayan, suportado nila ang ikinasang pagkakaisa ng iba’t-ibang militanteng grupo upang muling ipanawagan ang pagbasura sa kontraktwalisasyon sa bansa .

Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes, na kailangang papanagutin na at singilin si Pangulong Rodrigo Duterte dahil dalawang taon na ang nakalilipas mula nang pagpasa-pasahan ng Malacañang at Kamara ang Executive Order na pinakaaasam-asam ng mga manggagawa upang matuldukan na ang kontraktwalisasyon.


Taliwas aniya ito sa pangako ng Pangulo noong siya ay nangangampanya, na sa sandaling siya ay maluklok sa pwesto ay wawakasan na nito ang kontraktwalisasyon.

Paliwanag ni Reyes na binabagabag ngayon ang Pilipinas dahil sa matinding problema sa ekonomiya gaya ng mababang sahod, kawalan ng trabaho, nagtataasan ang presyo ng mga pangunahing bilihin at ang buwis, dagdag pa rito ang suliranin sa mga migrante at iba pa.

Facebook Comments