KASADO NA | Number coding scheme sa Cavite, epektibo na ngayong araw

Cavite – Epektibo na ngayong araw ang Number Coding Scheme sa lalawigan ng Cavite.

Ayon sa Pamahalaang Lokal ng Cavite, ipatutupad ang Number Coding Scheme sa lahat ng pangunahing kalsada para sa lalawigan kabilang na ang kahabaan ng Aguinaldo Highway, Governor’s Drive at Molino Road.

Ibig sabihin, ang lahat ng sasakyan na mayroong plaka at conduction sticker na nagtatapos sa 1 at 2 ay hindi maaring bumiyahe tuwing Lunes.


3 at 4 naman kapag Martes, 5 at 6 tuwing Miyerkules, 7 at 8 tuwing Huwebes at sa Biyernes naman ay 9 at 0.

Iiral ang Number Coding Scheme mula alas-7:00 hanggang alas-10:00 ng umaga at magbabalik ng alas-3:00 hanggang alas-7:00 ng gabi.

Facebook Comments