KASADO NA | PNP, all system go na para sa muling pagbubukas ng Boracay island

Aklan – Kasado na ang inilatag na seguridad ng Philippine National Police para sa muling pagbubukas ng isla ng Boracay sa mga turista sa October 26.

Sa katunayan ayon kay Western Visayas Regional Director Police Chief Supt. John Bulalacao, October 25 pa lamang ay magsasagawa na sila ng capability demonstration sa isla na pangungunahan mismo ni PNP Chief Oscar Albayalde.

Bukod rito may iba pang mga aktibidad na may kaugnayan sa seguridad sa isla.


Nagpapatuloy rin aniya ang konstruksyon ng kanilang substations sa Isla dahil inilipat na ang Malay Police Station sa Boracay island.

Tutukan rin ng PNP sa isla ang mga lalabag sa ordinansa katulad ng pagtatapon ng basura.

Matatandaang anim na buwan na ang nakakalipas nang isinira ang Boracay island para sa rehalibilitasyon.

Facebook Comments