Manila, Philippines – Kasado na ang transport strike ng grupong PISTON at No to Jeepney Phaseout Coalition ngayong araw.
Giit ni George San Mateo, presidente ng PISTON, walang atrasan ang kanilang tigil-pasada.
Hinihimok din nito ang iba pang driver, mga operator at mamamayan na sumama sa kanilang kilos-protesta laban sa pagpapatuloy ng jeepney phase out at mataas na presyo ng produktong petrolyo.
Samantala, dahil sa transport-strike, nag-anunsyo ang ilang lokal na pamahalaan at mga paaralan ng suspensyon ng klase.
Walang pasok sa lahat ng lebel sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa mga sumusunod na lugar:
Sa Albay Province:
– Camalig
– Daraga
– Guinobatan
– Jovellar
– Legazpi City
– Ligao City
– Polangui
– Tabaco
Schools:
– Divine Word College of Legazpi – Classes and work in all levels
– Polytechnic Institute of Tabaco – Classes and work in all levels
– University of Santo Tomas (UST) – Legazpi – Classes and work