Manila, Philippines – Malaki ang pag-asang nakikita ni Senador Sonny Angara na mababawasan na ang mga out-of-school-youth dahil sa Free College Education Law.
Ayon kay Angara, ito ay kasunod ng pormal na paglalabas ng Commission on Higher Education o CHED ng Implementing Rules and regulations o IRR ng Republic Act 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act.
Tinukoy ni Angara ang survey ng Philippine Statistics Authority noong 2016 na nagsasabing isa sa bawat 10 kabataang Pinoy na may edad 6 hanggang 24 ay hindi nakakapag-aral dahil sa kahirapan.
Diin ni Angara, nakapaloob sa Free College Law ang pagsagot sa matrikula, miscellaneous fees at iba pang bayarin ng estudyante sa Local at State Colleges and Universities sa buong bansa.