Kasal ni Ai-Ai Delas Alas sa kaniyang non-showbiz boyfriend, mas pinaaga

Manila, Philippines – Kinupirma ni Ai Ai Delas Alas na mapapapaaga ang kanilang pagpapakasal ni Gerald Sibayan matapos makausap si Most Rev. Anotonio Tobias.

Say ni Ai-Ai, dahil sa payo ni Rev. Tobias nagdesisyon silang sundin ang payo nito na magpakasal na ngayong taon.

Kaya raw sila nakipag-usap kay Bishop Tobias ay dahil gusto niyang alam ng simbahan ang plano niya dahil papal awardee siya.


Kung siya lamang nga raw ang masusunod sa huwes niya lang talaga gustong magpakasal pero dahil gusto ni Gerald sa simbahan ay sinang ayunan niya nadin ito.

Facebook Comments