Kasal ni Ai-Ai sa Disyembre, hindi muna itutuloy

157

Manila, Philippines – Ipinagpaliban ni comedy concert queen Ai-Ai Delas Alas ang kanilang kasal ng kasintahang si Gerald Sibayan sa Disyembre.

Ayon kay Ai-Ai, maghihintay muna siya ng sign ni lord dahil hindi madali ang kanyang pinagdadaanan ngayon.

Dagdag pa ng aktres, gusto niyang masiguro na pang-habangbuhay ang magiging pagsasama nila ni Gerald dahil ayaw nitong dumating ang araw na masira ang kanilang marriage.

Matatandaang ikinasal noong 2013 si Ai-Ai kay 28-year-old American businessman Jed Salang ngunit hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon dahil sa pang-aabusong natatanggap ng aktres sa kanyang asawa.

Facebook Comments