Kasal nina Angel Locsin at Neil Arce, hindi na matutuloy ngayong taon! 

262

Nagdesisyon ang aktres na si Angel Locsin at film producer na si Neil Arce na i-resched ang kanilang November 2020 wedding sa susunod na taon dahil sa COVID-19 pandemic. 

Say ni Neil, posibleng sa January 2021 na raw maganap ang kasal nila ni Angel pero depende pa rin aniya ito kung huhupa na ang sitwasyon ng pandemya. 

Aniya, bagamat pinag-iisipan nila ang isang intimate wedding, malaki ang kanilang pamilya at marami silang kaibigan kaya handa raw silang maghintay na matapos ang pandemya para makasama ang kanilang mga mahal sa buhay sa pagse-celebrate ng kanilang pag-iisang dibdib. 

Sinabi rin ni Neil na gusto niyang maging malaki ang selebrasyon ng kanilang kasal para kay Angel lalo na’t hindi aniya naranasan ng aktres na dumalo noon sa prom at mag-celebrate ng kaniyang debut. 

June 2019 nang ma-engaged si Angel kay Neil matapos ang isang taong pagiging magkarelasyon. 

Facebook Comments