KASALAN NA! | Billy Crawford at Coleen Garcia, busy na para sa kanilang kasal ngayong taon

Showbiz – Busy na sa kanilang 2018 wedding preparation ang Celebrity Couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia.

Sa summer daw gaganapin ang kanilang kasal dahil ito ang favorite season ni Coleen.

Pero tumanggi muna ang dalawa na i-reveal ang eksaktong petsa ng kanilang kasal.


Sa ngayon, marami pa raw silang inaayos lalo’t ang dami nilang naiisip na theme o concept ng kanilang kasal.

Para naman kay Billy, pinakamahirap ang pag-aayos ng guest list.

Samantala, ngayong taon din magaganap ang kasal si Iza Calzado sa non-showbiz boyfriend niyang si Ben Wintle.

Oktubre noong nakaraang taon nang mag-propose ang British Entrepreneur kay Iza na noo’y limang taon nang magkarelasyon.
wala pang date ang kasal dahil may mga tatapusin pa raw munang movie projects si Iza.

Facebook Comments