KASALAN NA? | Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, napag-uusapan na ang kanilang kasal

Manila, Philippines – Gaya ng pelikula nilang “The Hows of Us” napag-uusapan na raw nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang mga posibleng mangyari sakaling magkasama na sila sa iisang bahay.

Sabi ni DJ, nakikita niyang si Kathryn na talaga ang kanyang mapapang-asawa.

Inamin din ng reel-and-real life couple na napag-uusapan na nila ang kanilang kasal.


Dream wedding daw ni Kathryn ang isang simple at intimate beach wedding dito sa Pilipinas para hindi mahirapang makapunta ang kanilang mga bisita.

Pero kabaligtaran nito ang gusto ni DJ na isang church wedding kung saan imbitado ang lahat ng kanilang mga fans.

Katwiran ni DJ, pinanood ng kanilang mga fans ang journey nilang dalawa sa showbiz kaya para sa kanya, deserve ng mga ito na makita kung saan napunta ang kanilang relasyon ni Kathryn.

Facebook Comments