KASALAN NA | Kasal nina Prince Harry at Meghan Markle sa May, makakatulong daw sa ekonomiya ng UK

United Kingdom – Inaasahan ngayon ng opisyal na magiging maganda ang ekonomiya ng United Kingdom dahil sa nakatakdang kasal nina Prince Harry at actress na si Meghan Markle sa darating na May 2018.

Nabatid kasi na noong ikinasal ang nakakatandang kapatid ni Harry na si William kay Kate noong 2011 ay tumaas ng 350,000 ang bilang ng mga turista sa UK.

Dahil dito, nakalikom ang kanilang gobyerno ng mahigit $680 million na mula sa turista na nag-stay sa kanilang hotels at pagpasyal sa bansa.


Sa ngayon, naghahanda na ang maraming mga negosyante sa lugar dahil sa inaasahan baka mas dumoble pa ang mga turista na pupunta sa kanilang bansa para masaksihan ang nasabing kasalan.

Facebook Comments