KASALAN NA? | Matapos manganak, Pokwang – ikakasal na?

Manila, Philippines – Matapos na manganak noong January 18, mukhang susunod na ang kasalang Pokwang at Lee O’brian.

Sa isang panayam, tila nagpahiwatig si Lee nang sabihin niyang kasal na lang ang kulang sa kanilang pagsasama.

Sa ngayon, naka-focus daw muna sila ni Pokwang sa pag-aalaga kay baby malia pero oras na maging okey na ang kalagayan ng kanyang mag-ina ay baka mapaghandaan na rin ang kasal.


Samantala, hanggang ngayon ay super thankful pa rin si Pokwang matapos ang ligtas niyang panganganak sa kabila ng kanyang edad (44).

Ang pangalan ng kanilang anak na malia ay pinagsamang pangalan daw ng kanilang mga ina na sina Marlyn at Gloria.

Facebook Comments