KASALAN NA? | Sarah Geronimo, may pahiwatig na gusto nang mag-asawa

Manila, Philippines – Maraming fans nakapansin sa pagpapalit ni Sarah Geronimo sa lyrics ng kinanta niya sa kanyang 15th anniversary concert kamakalawa.

Sa halip kasi na “I’ll bring your wedding ring” ay pinalitan ito ni Sarah ng “I’ll wear your wedding ring” mula sa kantang leaving on a jet plane.

Hindi tuloy maiwasang magtanong ng ilang fans na, pahiwatig na ba ito ni Sarah G. na gusto na niyang mag-asawa.


Matatandaan na una nang nag-propose ang BF ni Sarah na si Mateo Guidicelli sa kanilang bakasyon sa palawan pero itinanggi naman ito ni Mateo.

Say ni Mateo, marami pa siyang gustong gawin sa buhay.

Inamin din ni Mateo na mahirap ang relasyon nila ni Sarah pero ang importante ay nawo-work out nila ito.

Facebook Comments