Kasalang Angel Locsin at Neil Arce, matutuloy na ngayong taon

81

Wala nang makakapigil pa sa kasalang Angel Locsin at Neil Arce.

Ito ay matapos kumpirmahin ni Angel na itutuloy na nila ngayong taon ang naudlot na kasalan na gaganapin sana noong November 8, 2020.


Bagama’t hassle, inaayos na raw ng dalawa ang mga kailangan para sa kanilang kasal dahil sa mga naging pagbabago sa plano bunsod ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Ipu-push din daw nila ang dream wedding ni Angel dahil ayaw ni Neil na maiilang ito sa kanilang special day.

Kasabay nito, inamin din ng magkarelasyon na napag-uusapan na nila ang tungkol sa pagkakaroon ng anak kung saan napagkasunduan nila ang isa o dalawang chikiting.

Facebook Comments