Kasalang Angel Locsin at Neil Arce, posible raw ma-postpone?

Wala pang final decision ang aktres na si Angel Locsin at ang kaniyang fiance at film producer na si Neil Arce sa posibleng postponement ng kanilang kasal ngayong 2020.

Say ni Angel at Neil, ikinukonsidera nila ang banta ng Coronavirus pandemic at angĀ  quarantine guidelines na ipinatutupad ng gobyerno bago sila makapagpasya.

Dagdag pa nito, hindi nila maaaring isapubliko ang exact date ng kanilang kasal, para na rin sa privacy and security ng kanilang mga bisita.


Sa ngayon, masyado pa raw maaga para makapagdesisyon si Angel at Neil kung tuloy o hindi ang kanilang kasal pero nilinaw ng dalawa na ready na ang mga ginawa nilang wedding preparations.

Facebook Comments