KASALANG BAYAN 2026 SA LINGAYEN, ISASAGAWA KASABAY NG VALENTINE’S DAY

Itinakda ng lokal na pamahalaan ng Lingayen ang Kasalang Bayan 2026 sa Pebrero 14, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.

Ayon sa tanggapan, may ilang serbisyong ilalaan nang walang bayad para sa mga lalahok sa naturang aktibidad kabilang dito ang libreng singsing, arrhaes, bouquet ng bulaklak, pagkain, at photo at video documentation ng seremonya.

Mayroon ding live performing artists tulad ng mga mang-aawit at musikero, pati na rin iba pang souvenirs para sa mga ikakasal.

Hinikayat ang mga interesadong lumahok na magtungo sa tanggapan ng munisipyo upang alamin ang mga detalye at kinakailangang requirements para sa aplikasyon bago pa magtapos ang application period.

Ang kasalang bayan ay kalimitang inoorganisa ng mga lokal na pamahalaan tuwing araw ng mga puso upang matulungan ang mga mag-partner na magsama na nang legal upang makabawas sa mga hamong pinansyal. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments