KASALANG BAYAN, GAGANAPIN SA LUNGSOD NG SANTIAGO

CAUAYAN CITY- Muling magsasagawa ng kasalang bayan ang Lokal na Pamahalaan ng Santiago sa ika-18 ng Agosto taong kasalukuyan.

Ang mga nagnanais na makibahagi sa naturang kasalan ay pinaaalalahanan na magdala ng 2024 Community Tax Certificate o CEDULA, Valid ID, Birth Certificate, PMOC (POP-COM), at CENOMAR.

Ang mga ikakasal na nasa 18-24 ay kinakailangang kasama ang kanilang mga magulang o guardian .


Inaanyayahan din ang mga nais mapabilang sa kasalang bayan na magtungo sa City Hall kung saan magtatapos ang pagpapatala sa ika-31 ng Hulyo.

Samantala, ang makakasali lamang sa kasalang bayan ay ang first 100 couples dahil first come, first served ito.

Facebook Comments