Kasalang Bayan gagawin sa Buldon sa araw ng mga Puso

Inaasahang 60 na magsing- irog ang nakatakdang opisyal ng mag- iisang dibdib sa darating na araw ng mga puso sa bayan ng Buldon sa Maguindanao.

Itoy kasabay sa libreng handog na kasalang bayan ng LGU Buldon. Pangungunahan ang aktibidad ng nagsisilbing ama ng Buldon na si Mayor Abolais Manalao .

Bukod sa instant ninong na si Mayor Manalao at iba pang mga opisyales ng bayan, magiging libre na rin ang handaan sa lahat ng mga dadalong bisita ng mga ikakasal.


Layunin nito ay upang matulungan ang kanyang mga kababayan lalong lalo na sa mga nagsasama ng ilang taon na at may mga anak na ngunit di magawang magpakasal dahil sa kahirapan sa buhay ayon kay Mayor Manalao.

Mariin rin aniyang ipinagbabawal sa pananampalatayang Islam ang magsama sa iisang bubong ang dalawang nagmamahalan na hindi pa naikakasal.
Gagawin ang Kasalang Bayan sa Gym ng Brgy. Edcor sa Febuary 14.

Facebook Comments