KASALI NA ULIT | P-Duterte, binalik ang PNP sa anti-illegal drugs operations

Manila, Philippines – Binigyan na ng ‘go signal’ ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) para muling makapagsagawa ng mga anti-illegal drugs operation.

Sa ilalim ng pinirmahang memorandum ng Pangulo, ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) pa rin ang mangunguna sa war on drugs.

Muli nilang makakatuwang ang PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP), National Bureau of Investigation (NBI) , Bureau of Customs (BOC) at iba pang anti-drug unit.


Ayon kay Presidential Spokesman Sec. Harry Roque, kailangan ng PDEA ng suporta ng PNP dahil kulang talaga ang mga tauhan nito.

Pero bago makapagsagawa ng operasyon, dapat na ipaalam muna ito sa PDEA.

Sa PDEA rin manggagaling ang desisyon kung ibabalik sa PNP ang Oplan Tokhang.

Facebook Comments