Hanggang ngayon ay nakabinbin pa rin ang usaping annual budget para sa taong 2023 ng dagupan city.
Matatandaang dinaluhan na rin ni provincial director virgilio sison ang isa sa mga regular session sa sangguniang panlungsod upang ipaalala sa sp na walang ibang tatalakayin na isyu o hanggat hindi natatapos ang usapin sa pag-apruba ng annual budget.
Sa naganap na regular session kahapon, feb. 8, 2023, dinaluhan na rin ito ng alkalde ng dagupan upang personal na ipahayag ang naisin para sa pagpapadali ng pag-apruba ng city budget.
Inilahad din ni mayor fernandez ang mga programa at proyekto ng lungsod na nakahanda nang maisakatuparan sa oras na aprubado na ang budget.
Samantala, umapela na rin si city mayor fernandez na gawing bukas sa publiko ang budget hearing upang malaman din daw ng mga residente ano na ang usad nito.
Giit naman committee on finance budget and appropriations na nais lamang nilang maging mabilis ang hearing upang mapaaprubahan na ito at maiwasan ang tulad na lamang ng “rally” na magiging sagabal umano sa pagdinig.
Bagamat ay nadedelay din ang mga programang para sa kapakanan ng mga dagupeno ay magpapatuloy pa rin ang pagtalakay sa usapin ng pag-apruba ng annual budget. |ifmnews
Facebook Comments