Umabot na sa 92,298 na miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang napagtapos ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 – Ilocos Region (DSWD FO 1) sa ilalim ng programa sa buong rehiyon simula pa noong 2023.
Isa umano itong malaking yugto na nararapat lamang ipagdiwang lalo at patunay ito na epektibo ang nasabing programa na inilalaan upang palakasin pa ang mga mahihirap na benepisyaryo pagdating sa nararapat na edukasyon at kasanayan upang tuluyan na maputol ang paulit-ulit na sistema ng kahirapan sa bansa.
Ayon kay DSWD spokesperson Asst. Secretary Irene Dumlao, patunay ang mga 4Ps graduate na pwedeng umahon sa hirap.
Nagbigay katiyakan rin ang tanggapan na bago magtapos sa ilalim ng programa ang mga benepisyaryo ay inihahanda muna sila upang tuluyang makayanan na mamuhay at kumita ng mag-isa katulong rin ang mga lokal na pamahalaan.
Sa ilalim ng 4Ps, nakatatanggap ang mga benepisyaryo ng conditional cash grants para edukasyon, kalusugan, at nutrisyon kasama na rito ang pagcomply nila ng regular na check up, school attendance, at partisipasyon sa monthly FDS. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









