Nais pasimplehin o padaliin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kasalukuyang curriculum na ginagamit sa pagtuturo sa bansa.
Ayon kay Pangulong Marcos, maraming mga kabataan ang hindi pa makabasa nang maayos kahit nasa Grade 5 o Grade 6 na.
Dahil dito, nais niyang pasimplehin ang curriculum para matiyak na maiintindihan ng mga mag-aaral ang “basics” o ang reading, writing, at arithmetic.
Matandaang noong Agosto 2023 ay inilunsad ng DepEd ang Matatag curriculum para i-decongest ang kasalukuyang K-12 curriculum.
Sa ilalim nito, binawasan ang bilang ng mga kasanayan sa pag-aaral, maging sa pag-focus sa literacy, numeracy, at socio-emotional skills mula kindergarten hanggang Grade 3.
Samantala, pinatututukan din ng pangulo resulta ng international objective test lalo na sa STEM subjects.
Importante ito dahil napag-iiwanan na aniya ang bansa pagdating dito lalo na’t nagiging teknikal na aniya ang mga demand sa ganitong industriya.