Thursday, January 29, 2026

Kasalukuyang lagay ni PBBM, ipinakita ng Malacañang; legal na hakbang laban sa mga nagpapakalat ng pekeng medical document ng Pangulo, pinag-aaralan

Naglabas ng bagong video ang Malacañang na nagpapakita ng kalagayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa gitna ng kumakalat na maling impormasyon tungkol sa kaniyang kalusugan.

Sa naturang video, makikitang ang Pangulo habang nakikipaglaro sa kaniyang asong si Oreo.

Ayon sa Pangulo, maayos na ang kaniyang pakiramdam at paunti-unti nang nakakapagtrabaho.

Biro pa ng Pangulo, napanaginipan niyang kumakain siya ng steak dahil sabaw lamang ang pwede niyang kainin sa loob ng 3 araw para makapagpahinga ang kaniyang bituka.

Pinatunayan din ng Pangulo sa pamamagitan ni Usec. Claire Castro na hindi AI ang kaniyang video.

Samantala, kinondena naman ng Presidential Communications Office (PCO) ang pagkalat ng mga pekeng dokumento laban sa Pangulo, na hindi nagmula sa anumang lehitimong pagsusuri.

Babala ng Palasyo, pinag-aaralan na ang posibleng legal na hakbang laban sa mga sa pagpapakalat ng maling balita.

Facebook Comments